Services

One-stop aircon expert

Sales, installation, repair at cleaning — isang tawag lang, kami na ang bahala.

01 · Cleaning

Aircon Cleaning & Pump Down

Binubuksan namin ang unit at nililinis ang filter, evaporator coil, blower wheel, drain pan at outdoor unit. Gumagamit kami ng cleaning bag para walang kalat sa pader at sahig.

Pump down — kapag ililipat o aalisin ang aircon, iniipon muna namin ang freon sa outdoor unit para hindi masayang.

Mag-book ng Cleaning
Presyo ng aircon cleaning bawat unit
Uri ng airconCleaning (per unit)
Window type₱800
Split type (wall-mounted)₱1,200
Floor-mounted / floor-standing₱1,800
Cassette (nasa kisame)₱3,000
Suspended (nakabitin sa kisame)₱3,000
Chemical / deep clean (add-on)+₱1,000

🎉 5% off kapag 3 units pataas sa isang booking.

Kasama ang paglilinis ng indoor at outdoor unit. Maaaring magbago ang presyo depende sa HP at kondisyon ng unit — sasabihin namin bago magsimula.

Bagong LG Dual Inverter aircon na naka-install
02 · Sales

Brand-New Aircon Units

Window, split type at iba pa — inverter at non-inverter. Tutulungan ka naming pumili ng tamang HP para sa laki ng kwarto mo.

  • LG
  • TCL
  • AUX
  • Condura
  • Carrier
  • Midea
  • iba pa

Presyo: nagbabago ang presyo at promo depende sa supplier, kaya mag-inquire para sa latest na presyo.

Mag-inquire ng presyo
03 · Installation

Installation

Maayos, matibay at malinis na installation — tamang bracket, maayos ang tubo at may takip, tamang drain para hindi tumulo.

Titingnan muna namin ang lugar (ocular) para maibigay ang tamang quote: haba ng tubo, bracket, at kung kailangan ng dagdag na wiring.

Humingi ng quote
Bagong TCL aircon na maayos ang pagkaka-install at may takip ang tubo
Pag-check ng freon pressure gamit ang gauge sa outdoor unit
04 · Repair

Repair & Supply ng Parts

Hindi lumalamig? Tumutulo? Maingay? May error code? Titingnan namin — FREE checkup — at sasabihin ang problema at presyo bago ayusin.

  • Freon recharge at leak repair
  • Capacitor, fan motor, PCB at iba pang parts
  • Window, split, floor-mounted, cassette at suspended
Ipa-checkup
05 · Secondhand

Buy & Sell Secondhand Units

May lumang aircon na gustong ibenta? O naghahanap ng mas murang unit? Bumibili at nagbebenta kami ng secondhand units na na-check at nalinis.

Mag-inquire
Window type aircon na binuksan para i-check at linisin
Mag-book ng Cleaning